Sa panahon natin ngayon marami ng makabagong salita na ating ginagamit, kung kayat ang ilan sa mga salitang Pilipino ay nakakalimutan na nating gamitin.
Narito ang sampung (10) halimbawa ng mga salita na hindi ginagamit ng mga Pilipino.
1. Pook-sapot (Website)

Isang lugar sa World Wide web na binubuo nang ibat ibat impormasyon patungkol sa tao, lugar, organisasyon at iba pa. Maaari kang pumili ng ibat ibang Theme, Style at template Upang mapaganda ang nasabi mong website.
Halimbawa:
Napakaganda naman ng iyong ginawang Pook-sapotnakakamangha naman ang laman nito.
2. Salipawpaw (Airplane)

Isang uri ng sasakyang pang himpapawid na may permanenteng pakpak.
Halimbawa:
Gusto kong makasakay sasalipawpaw balang-araw.
3. Batalan (Washroom)

Isang silid na may mga pasilidad sa paghuhugas at kobeta.
Halimbawa:
Si Ella ay nagmamadaling maligo dahil maraming gagamit ngbatalan.
4. Alimuson (Scent)

Isang amoy na kapansin-pansin at kaaya-aya.
Halimbawa:
Tila dumikit sa aking damit ang kanyang alimuson.
5. Sambat (Fork)

Isang uri ng kagamitan na ginagamit sa hapagkainan.
Halimbawa:
Si Jr ay hindi sanay kumain ng walang sambat.
6. Pahimakas (Last Farewell)

Ginagamit upang ipahayag ang mga magagandang hangarin sa paghihiwalay.
Halimbawa:
Sila ay naghanda ng kaunting salu-salo para sa pahimakas ng kanilang anak.
7. Payneta (Comb)

Isang uri ng plastik at metal na may isang hilera ng makitid na ngipin na ginagamit sa pag-aayos ng buhok.
Halimbawa:
Ang payneta ni Anna ay marumi.
8. Duyog (Eclipse)

Isang pangyayari na ang malakaing bahagi ng araw ay natatakpan ng buwan na nagdudulot ng panandaliang kadiliman sa ating lugar.
Halimbawa:
Si Alex ay nasa kanyang klase ng maganap ang sinasabing duyog.
9. Danumsigwasan (Hydraulics)

Ito ay isang parte ng sasakyan o bike na nagpapadali sa pag-preno o pag-liko.
Halimbawa:
Oy! Jake tingnan mo ang ganda ngdanumsigwasan na iyon oh.
10. Talatinigan (Dictionary)

Libro na naglalaman ng mga nakaalpabetong salita at ang mga kahulagan, pagbigkas atbp. ng mga ito.
Halimbawa:
Nawawala ang talatinigan ng magkapatid na Teddy at Ber.
Ilan palang yan sa mga salitang hindi ginagamit ng mga Pilipino.
Video